Sabi Ko Na Nga Ba!

ni: Inigo Ed. Regalado

Sabi ko na nga ba!

Walang kadiliman na di nagliwanag

                at walang panata

na hindi gumitaw sa bunton ng hirap.

                Ang luha at dusa

kung mapagtiisan ay nagiging lunas

                sa isang pag-asa

na pinaglaruan ng madlang bagabag.

 

                Hindi nagkamali!

Nasabi ko na nga na may kahulugan

                ang sulyap mo’t ngiti.

Nasabi ko na ring iyong lulunasan

                ang aking pighati.

At nasabi ko pang di mo babayaang

                ako’y mamalagi

sa tinitiis kong mga kahirapan.

 

                Talagang ang puso

ay laruan lamang ng lungkot at tuwa.

                Sa gawang pagsuyo

bago magtagumpay, kailanga’y luha.

                Sa pamimintuho

kung wala kang hirap ay walang biyaya.

                Lahat ng siphayo

ay natiis ko na bago ka naawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s